CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, October 20, 2008

Kabanata 10: Goodbye Boylet#2...Hello Boylet#3!

Ang Nakaraan: Napakasaklap ng nangyari sa bida natin dahil dalawang beses na syang na broken hearted. Matatandaan nating si Boylet#1 ay yung assistant commandant ni Ada noong hayskul na may girfriend na. Itong latest na Boylet ni Ada na si Bo naman ay bading naman...ang buhay nga naman oo...kawawang Ada. Mabuti na lamang at madaling maka recover si Ada sa pagkakahumaling nya sa mga boylet na ito hehe...Sino nanaman kaya ang bagong kahuhumalingna nitong si Ada?

Sa pagpapatuloy ng ating blogavelang "Ang Mga Boylet ni Ada"...

First day of classes ng 2nd Sem...Law Subject

Ada: Hey Ehlynne! Kumusta ang bakasyon mo ha? hehehe..parang kailan lang ano? ngayon 3rd year college na tayo! Hay naku may law subjects na pati huhuhu...sana hindi terror itong prof natin ano?

Ehlynne: Oo nga e..hay, i heard na lagi raw may graded recitation tng teacher na to huhu...Ay wait, habang wala pa sya mag retouch n muna tayo sa CR hehe...

Ada: Mabuti pa nga..tara!

Umalis nga si Ada at Ehlynne sa kinauupuan nila at pumunta sa CR pra mag-retouch. After a few minutes...

Ada: (patungo sa upuan habang nakikipag usap kay Ehlynne)... Whoooops!

Ehlynne: (matitigilan din sa paglakad): O bakit Ada?

Ada: Look Ehlynne...may umupo sa upuan ko!! Susme! Di nya ba alam na the seat is already taken?

Ehlynne: Hahaha...hui Ada..baka nakakalimutan mo..first comefirst serve dto sa room ng prof natin haha...bkit ba kasi dinala mo lahat ng gamit mo? Ayan tuloy may umupo sa chair mo haha..d bale mern pa namang vacant seat dto sa "aisle" hehe...magkatabi pa rin tayo

Ada: (naiinis) Grrrr! Hay nako nako nako!

At umupo na nga si Ada sa may aisle katabi ni Ehlynne. Magtataka siguro kayo kung bakit inis na inis si Ada ano? kasi naman simula first year college, ang pinakagustong pwesto ni Ada e yung chair n katabi ng wall...Baket kamo? Kasi naman, kapag boring ang teacher e tinutulugan nitong si Ada! Ha! ha! ha! Kaya masyadong masama sa loob niya ng maagawan sya ng pwesto dahil ang ibig sbhin nun hindi sya makakatulog mamaya.

Professor: Good afternoon everyone, welcome to the Law Of Obligation and Contracts Class...Before we begin, I would like to gauge kung meron na kayong nalalaman sa contracts..Can anyone tell me what is the difference between a marriage contract and a business contract? Yes, the guy on the back? Please tell me ur name first before you answer the question..

Ada: (bubulong kay Ehlynne) Asuuuus..tingnan mo pakitang gilas naman tong mang aagaw ng upuan n ito...nahahanginan ako..hay naku nakakainis talaga sya!

Ehlynne: Hay, tumahimik ka nga jan Ada at baka mapalabas tayo ni prof..makinig ka na lang sa sasabihin ng new classmate natin

Leolin: Good afternoon. I am Leolin Funtanares. The difference between marriage contract and business contract is that...

Ayun, napanganga si Ada sa mga narinig niya kay Leolin. Napakagaling nito magsalita at parang teacher kung magpaliwanag..In short, matalino sya.

Ada: (pabulong sa sarili) Wow..at may ibubuga namn pala itong lalakeng to..matalino..pero inis pa rin ako sakanya ..hmp!

Pagkatapos ng klase ay bigla nalang nawala si Leolin na parang bula..hinanap ni Ada ito dahil nga gusto niyang komprontahin sa nangyari kanina..

Ada: Hay,ambilis naman umalis ng classroom ng bago nating kaklase, parang the flash! Anyway, may araw din yun sakin..

Kinaumagahan...nasa loob ng department's head office si Ada dahil meron syang tinatype na accompishment report. Oo nga pala, F.Y.I: Si Ada ay secretary ng deparmental organization sa course nila kaya lagi sya doon sa office ng department head nila kasama ang iba pang co-officers.

Kaslukuyang may tinataos na accomplishment report si Ada nang tawagin sya ng department head nila..

Department Head: Ada, may alam ka bang organization dito sa college natin na ang focus ay ang pag harness ng talents?

Ada: (nagtatype pa rin) Hmm...sa ngayon po sir wala dito sa college natin..pero merong university-based organization na gnun...Bakit po?

Department Head: Ah gnon ba? Nagtatanong kasi itong bagong pasok na student..si Mr. Leolin Funtanares. Balak niyang bumuo ng departmental organization e..Siguro kilala mo na ito, classmate mo yata sa isa s mga subjects mo..

Ada (Nagulat at biglang lumingon) ANO PO?? Yung bagong student na medyo matanda na?

Department Head: Yup, actually 31 years old na sya. Dati syang teacher sa isang computer school...bale second course na nya ngayon itong BS Management.

Ada: Aah..gnon po ba? (bubulong sa sarili) At talaga naman!!! bubuo pa talaga ng organization itong lalakeng to! Hmmm...ma background check nga ito...

At yun nga ang ginawa ni Ada...araw araw ay sinusundan niya itong si Leolin. Ni hindi nakikipagkaibigan sa ibang mga 3rd year students. Mysterious talaga itong lalakeng ito...

Isang araw pagkatapos ng klase nila sa law ay sinundan nanaman ni Ada itong si Leolin..makita nyang pumasok ito sa isang classroom na may maraming 1st year students.

Ada: (Pabulong sa sarili) Aba aba aba! Ano ito? Bakit andaming estudyante sa loob, at sya ang le-lead? At ano yun? Bakit may mga papel? Nagtuturo din ba itong lalakeng to dto sa school?

Janitor: Hoy Ada, anong sinisilip silip mo jan sa loob? Gusto mo rin bang sumali sa organization ni Leolin?

Ada: H-ha? O-organization? Kelan pa yan nagsimula kuya?

Janitor: Ah ayan e, last week lang yan nagsimula...puro first year nga ang members e...sali ka rin tapos invite mo ang mga classmates mo. Maganda jan kasi i dedevelop yung talents niyo..Teka tatawagin ko si Leolin ha? Leolin!! Ito si Ada gusto rin sumali!

Ada: H-ha?? K-kuya...wait!

Huli na ang lahat dahil lumabas nga ng classroom si Leolin...

Janitor: Leonlin, itong si Ada gusto rin sumali sa organization mo. Magaling yan...tumutugtog yan ng keyboad saka marunong yan mag drawing.

Leolin: Ah talaga po? (sabay tingin kay Ada) Hey...Ada? Di ba classmates tayo sa law subject?

Ada: (Hindi mapakali) A-ah..o-oo nga hehe...Wow, may org kana pala ha? Baka hindi ako pwede jan kasi mga first year ang members mo e hehe

Leolin: Ah hindi, para to sa lahat. Nagkataon nga lang na sila ang nauna kong nasabihan hehe. Sige come in, para makilla mo sila.

At ayun na nga ang nangyari...naging member si Ada ng organization ni Leolin na tinatawag na Circle of Talents...Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mga tagpo? Mas lalo kaya siyang mainis kay Leolin? O maging daan ito tungo sa isang makulay na samahan? Malalaman lamang natin ang sagot sa mga susunod na Kabanata....